Tuesday, January 4, 2011

So many things to do, so little time

Naisin ko mang makatapos ng isang buong blog ngayon tungkol sana sa mga fireworks na aking nakuhanan sa nakalipas na bagong taon, hindi ko ito magawa. Babad ako sa mga takda hindi lamang para sa aking sarili kundi pati na rin iyong nahinging pabor sa akin ng kaibigan at kapamilya. Nais ko man sanang magpasabog bago magsimula ang klase bukas ay hindi ako pinahihintulutan ng oras. Kaya't sa susunod ko na lamang kukumpletuhin ang plano. pati na rin ang matagal ko na dapat naisulat na blog tungkol sa mga bulaklak na kinaibigan ko sa Baguio. :)


oh well. welcome come back to school tomorrow for me. at sa marami pang iba diyan na may pasok na bukas. :D

No comments:

Post a Comment